Ulo ni Faeldon, may patong na P1 milyon
December 3, 2007
Nag-aalok ng isang milyong piso ang PNP para sa mabilis na ikadarakip ni Marine Captain Nicanor Faeldon.
Si Faeldon ay naglaho, kasabay ng pagtatapos ng stand-off sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City.
Kinumpirma naman ni PNP Chief Avelino Razon na bumuo na sila ng hiwalay na grupong tutugis at aaresto sa puganteng sundalo. UNTVweb.com
Economic Sabotage, ikakaso kay Trillanes
December 3, 2007
Kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) ng Economic Sabotage ang grupo ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Bukod pa ito sa kasong rebelyon na naunang isinampa ng CIDG kaugnay ng bigong rebelyon noong Huwebes.
Kumbinsido si PNP Chief Avelino Razon na malaki ang epekto ng nangyaring kaguluhan sa takbo ng negosyo at [...]
PNP makikipag-ayos na sa Media
December 3, 2007
Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Avelino Razon, Jr. ang Police Community Relations Group na makipag-ugnayan sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
Layon nitong ayusin ang ugnayan ng media at mga otoridad tuwing magkakaroon ng aktwal na Police at Military Operations.
Aminado si Razon na dumepende rin sila sa ibinabatong impormasyon ng media – [...]
Filed in
