Colon cancer, pangatlo sa sanhi ng pagkamatay ng mga Asyano
March 25, 2008
Ang sakit na colon cancer ay ang pang-anim sa pinaka-common na uri ng cancer na nakaaapekto sa mga pilipino; pangatlo naman ito naman sa buong rehiyon ng asya. Sinusundan nito ang cancer of the lungs, breast, liver and cervix at leukemia.
Ayon sa us national cancer institute, isa sa bawat labingwalong katao ang kinakapitan ng sakit na ito at kalimitang naapektuhan nito ay ang mga taong nagkakaedad ng 50 pataas.
Indonesia, niyanig ng lindol
February 21, 2008
Niyanig ng 7.5 magnitude na lindol ang Aceh Province sa Indonesia bandang hapon ng araw ng Miyerkules.
Tatlo ang nasawi habang dalawamput lima naman ang sugatan.
Sandaling nagbaba ng tsunami alert na agad namang binawi ng Indonesian Meteorological Agency.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng relief operations sa mga apektadong lugar. UNTVweb.com
bilbil sa tiyan, may kinalaman sa sakit sa puso
February 21, 2008
Pinag-aaralan na ng mga siyentipiko sa University of Michigan ang posibleng masamang epekto sa puso ng belly fat o bilbil.
Matapos na lumabas sa pag-aaral ng mga dalubhasa na pinangunahan ni Dr. Miina Ohman sa mga laboratory mice – na mas naging maliit ang tyansang mag-develop ng atherosclerosis o paninigas na mga ugat ang mga dagang sumailalim sa visceral transplant o pag-aalis ng taba sa tiyan.
Ayon sa mga dalubhasa – ang belly fats ay nagpapalala sa pamamaga at paninigas ng mga ugat na kalimitan nang nauuwi sa heart attack. Ang pag-eehersisyo pa rin anila ang pinakamabisang paraan upang mabawasan kundi man tuluyang maalis ang mga bilbil. UNTVweb.com
Posted by
Filed in
