Get RSS Feed
Bakterya sa kasilyas at computer keyboard, magkapareha!

May 9, 2008

Alam niyo ba na posibleng kasingdumi ng kasilyas o toilet ang dumi na tinataglay ng inyong mga ginagamit na computers?

Sa isinagawang survey ng United Kingdom Consumer Watchdog at Publication Group na “Which?”, lumitaw na ang computer keyboards ay nagtataglay ng mga bacteria na karaniwang nakikita sa mga toilet.

Napag-alaman na ang karaniwang sangi ng pagkakaroon ng bacteria sa keyboard ng computer ay ang pagkain sa table na malapit sa keyboard. Ayon sa mga eksperto, ang mga mumo mula sa pagkain ay karaniwang nagiging breeding ground ng milyon-milyong bacteria.

Ang isa pang itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng bacteria sa keyboard ay ang hindi paghuhugas ng kamay pagkagaling sa toilet o rest room.

Dahil dito, ipinapayo ng mga dalubhasa na regular na linisin ang keyboard, mouse at monitor ng inyong computer upang maiwasang maging breeding ground ito ng mga bacteria at posibleng magdulot ng pagkakasakit. news.UNTVweb.com

Get RSS Feed
Pag-aalis sa import quota sa bigas at mais, magpapatindi lang sa krisis sa pagkain

April 9, 2008

Mamamatay ang local rice industry sa oras na tuluyang alisin ang import quota sa bigas at mais - na lalong magpapatindi sa krisis sa pagkain sa bansa.

Sa pananaw ni Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo - ang pagbasura sa import ban ay labag sa minimum access volume; na bahagi ng pinagtibay na kasunduan sa World Trade Organization.

Sa halip - hinamon ni Ocampo ang pamahalaan na higpitan ang kontrol sa rice importation; gayundin ang pagpapatupad ng itinakdang panuntunan sa land-use conversion. news.UNTVweb.com 

Get RSS Feed
50% sanhi ng Pagkamatay sa Asia-Pacific dulot ng Climate Change

April 8, 2008

Tinatayang mahigit kalahati sa isandaan at limampung libong napaulat na pagkamatay sa Asia-Pacific Region ay maiuugnay sa Climate Change.

Ayon sa ulat ng World Health Organization, ilan sa mga sakit na dulot ng pagpapalit ng klima ay malaria, diarrhea, malnutrition at iba pa.

Ayon kay WHO Dir. for Western Pacific Region, Shigeru Omi, ang impact ng climate change ay mas nararanasan ng developing countries dahil na rin sa kakapusan ng resources upang malabanan ito. UNTVweb.com 

Next »

Close
E-mail It