Get RSS Feed
Lt. Gen. Yano, bagong chief of staff ng AFP

May 12, 2008

Pormal nang pamamahalaan ni Lt. Gen. Alexander Yano ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa araw na ito.

Pasan niya sa kanyang balikat ngayon ang pagsugpo sa insureksyon na patuloy na ipinaglalaban ng New People’s Army maraming dekada na ang nakararaan.

Gayundin ang pagharap sa responsibilidad sa pagdinig sa kaso ng  mga kabarong sina Maj. Gen. Renato Miranda, Brig. Gen. Danilo Lim, Marine Col. Ariel Querubin at iba pang sangkot sa di umano’y bigong kudeta noong Feb. 2006.

Si Yano ay miyembro ng Phil. Military Academy “Magilas” Class 1976.

Papalitan ni Yano si Outgoing AFP Chief Hermogenes Esperon Jr. na magreretiro na sa araw na ito makaraan ang maraming kontrobersya sa extension ng kanyang termino. news.UNTVweb.com

Get RSS Feed
Balasahan sa Malakanyang, nagumpisa na

May 12, 2008

Kumpirmado na ang balasahan sa Malakanyang at si Press Sec. Ignacio Bunye ang unang mamamaalam sa Palasyo.

Hunyo 22 magsisimulang manungkulan si Bunye sa Monetary Board ng Bangko Sentral.

Kabilang sa maugong na pangalan na papalit kay Bunye ay sina dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor at si datingPress Usec. Michael Toledo.

Samantala, kinumpirma naman ni Exec. Sec. Eduardo Ermita na si Election Lawyer Leila de Lima ang uupo sa binakanteng posisyon ni Purificacion Quisumbing sa Commission on Human Rights. news.UNTVweb.com

Get RSS Feed
Napocor, handang magbigay ng refund

May 12, 2008

Pinagpaliwanag ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Napocor sa umano’y over-recovery o sobrang singil na dalawampung sentimos kada kilowatt-hour o kabuuang sampung bilyong piso sa loob ng halos dalawang taon.

Ito ay dahil bigo ang Napocor na maisumite ang kanilang aplikasyon sa generation rate adjustment mechanism at incremental currency exchange rate adjustment mula Hulyo taong 2006 hanggang Marso 2008.

Sa panig  ng Napocor, nakahanda naman umano silang magbigay ng apatnapung sentimos na refund sa consumers sa Luzon at 39% naman sa mga consumer sa Mindanao at handa rin umano silang magpaliwanag hinggil sa isyu. news.UNTVweb.com 

Next »

Close
E-mail It