Get RSS Feed
Paggamit ng backpack, nakakaapekto sa ugat sa balikat

April 9, 2008

Ang straps ng backpack ay maaaring makaipit sa ugat sa balikat at maging sanhi ng abnormal o mataas na pressure sa ugat at mahinang daloy ng dugo sa balikat at kamay.

Ayon sa pag-aaral nina Timothy Neuschwander, Brandon Macias, at Alan Hargens ng Department of Orthopaedic Surgery sa University of California - San Diego — lumabas na kapag may bigat na 26 pounds ang laman ng backpack ay nakapagpapabawas na ito ng Macrovascular blood flows sa upper extremity ng katawan.

Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol o pagmanhid ng balikat at kamay gayundin ang mabilis na pagkapagod.

Ang pananaliksik ay nailathala sa pahayagang Medical News Today. news.UNTVweb.com

Get RSS Feed
Colon cancer, pangatlo sa sanhi ng pagkamatay ng mga Asyano

March 25, 2008

Ang sakit na colon cancer ay ang pang-anim sa pinaka-common na uri ng cancer na nakaaapekto sa mga pilipino; pangatlo naman ito naman sa buong rehiyon ng asya. Sinusundan nito ang cancer of the lungs, breast, liver and cervix at leukemia.

Ayon sa us national cancer institute, isa sa bawat labingwalong katao ang kinakapitan ng sakit na ito at kalimitang naapektuhan nito ay ang mga taong nagkakaedad ng 50 pataas.

Ang apektadong bahagi ng katawan ay ang four-foot tube shaped organ o bituka ng tao na siyang nag-aabsorb ng sustansya mula sa mga pagkain at nagko-kontrol ng bowel movements.

Ang mga sintomas ng sakit na ito ay ang pagdurugo ng rectal area, pagkakaroon ng dugo sa dumi ng tao, hindi regular na pagbabawas, hindi maipaliwanag at malimit na pagsusuka at ang biglaang pagbasak o pangangayat ng katawan. Ang mga apektado ng sakit na ito ay nakararanas rin ng matinding pananakit ng tiyan at rectum area.

Sinasabi naman na ang mga taong may kamag-anak na may sakit na colon cancer ay may malaking posibilidad na magkaroon rin nito.

Nakukuha rin ang sakit na ito sa pamamagitan ng hindi pagkakaroon ng wastong diyeta, intake ng marurumi at kontaminadong pagkain, sobrang pagkain ng karne at taba ng hayop, obesity, at paninigarilyo. UNTVweb.com

Get RSS Feed
Mga nagpa-face lift, maaaring magkaroon ng MRSA

March 18, 2008

Nagbabala ang mga dalubhasa sa mga sumailalim na sa facelift procedure dahil maaari raw itong magdevelop sa drug-resistant bacterial infections na sanhi ng mikrobyo na tinatawag na methicillin-resistant staphylococcua aureus (MRSA).

Ayon kay Dr. Richard Zoumalan at Dr. David Rosenberg ng Lennox Hill-Manhattan Eye, Ear and Throat hospital sa New York, sa kanilang pag-aaral sa may pitong daan at walumpung pasyente na sumailalim sa facelift mula taong 2001 hanggang 2007 lumabas na .6 percent ang nagkaroon ng drug-resistant bacterial infections.

Batay sa ulat ng mga dalubhasa – ang bacterial infections ay itinuturong sanhi ng 19,000 deaths sa America noong 2005.  Kapag nagdevelop ng resistance ang bacteria – nahihirapan ang mga manggagamot na puksain ang mga ito sa pamamagitan ng anti-biotic drugs.

Peroo aminado sina Zoumalan at Rosenberg na kinakailangan pa nilang magsagawa ng mas malawak na pag-aaral kaugnay ng nasabing findings. UNTVweb.com

« Previous       Next »