Bakterya sa kasilyas at computer keyboard, magkapareha!
May 9, 2008
Alam niyo ba na posibleng kasingdumi ng kasilyas o toilet ang dumi na tinataglay ng inyong mga ginagamit na computers?
Sa isinagawang survey ng United Kingdom Consumer Watchdog at Publication Group na “Which?”, lumitaw na ang computer keyboards ay nagtataglay ng mga bacteria na karaniwang nakikita sa mga toilet.
Napag-alaman na ang karaniwang sangi ng pagkakaroon ng bacteria sa keyboard ng computer ay ang pagkain sa table na malapit sa keyboard. Ayon sa mga eksperto, ang mga mumo mula sa pagkain ay karaniwang nagiging breeding ground ng milyon-milyong bacteria.
Ang isa pang itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng bacteria sa keyboard ay ang hindi paghuhugas ng kamay pagkagaling sa toilet o rest room.
Dahil dito, ipinapayo ng mga dalubhasa na regular na linisin ang keyboard, mouse at monitor ng inyong computer upang maiwasang maging breeding ground ito ng mga bacteria at posibleng magdulot ng pagkakasakit. news.UNTVweb.com
Paggamit ng backpack, nakakaapekto sa ugat sa balikat
April 9, 2008
Ang straps ng backpack ay maaaring makaipit sa ugat sa balikat at maging sanhi ng abnormal o mataas na pressure sa ugat at mahinang daloy ng dugo sa balikat at kamay.
Ayon sa pag-aaral nina Timothy Neuschwander, Brandon Macias, at Alan Hargens ng Department of Orthopaedic Surgery sa University of California - San Diego — lumabas na kapag may bigat na 26 pounds ang laman ng backpack ay nakapagpapabawas na ito ng Macrovascular blood flows sa upper extremity ng katawan.
Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol o pagmanhid ng balikat at kamay gayundin ang mabilis na pagkapagod.
Ang pananaliksik ay nailathala sa pahayagang Medical News Today. news.UNTVweb.com
Colon cancer, pangatlo sa sanhi ng pagkamatay ng mga Asyano
March 25, 2008
Ang sakit na colon cancer ay ang pang-anim sa pinaka-common na uri ng cancer na nakaaapekto sa mga pilipino; pangatlo naman ito naman sa buong rehiyon ng asya. Sinusundan nito ang cancer of the lungs, breast, liver and cervix at leukemia.
Ayon sa us national cancer institute, isa sa bawat labingwalong katao ang kinakapitan ng sakit na ito at kalimitang naapektuhan nito ay ang mga taong nagkakaedad ng 50 pataas.
Posted by
Filed in
