Get RSS Feed
Mga ospital sa Maynila, handa na sa panahon ng tag-ulan

May 30, 2008

Handa na ang mga pagamutan sa lungsod ng Maynila sa posibleng pagdagsa ng mga magkakasakit ng dengue at iba pang mga sakit sa panahon ng tag-ulan, lalo na at tumaas ang kaso ng nasabing sakit ngayong taon.

Ayon kay DOH Asst Sec. for Special Concerns Elmer Punzalan, nakahanda na ang lahat ng ospital upang tulungan ang mga magkakasakit ng dengue sa pamamagitan ng dengue emergency express lanes — gayundin ang mga espesyalistang tututok para sa early detection, proper diagnosis at medication ng naturang sakit.

Kaalinsabay nito, nakikipagugnayan na rin ang mga pribadong ospital sa DOH upang makasigurong handa na ang lahat ng pagamutan sa mga seasonal diseases.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na linisin ang kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng mga sakit. news.UNTVweb.com

Get RSS Feed
PGMA, makikipagpulong kay US Pres. bush

May 30, 2008

Nakatakdang bumiyahe sa Estados Unidos ang Pangulong Arroyo mula sa ika-23 hanggang ika-29 ng Hunyo.

Ayon sa Malakanyang, makikipagpulong ang Pangulo kay US President George W. Bush sa White House upang pag-usapan ang mga isyu hinggil sa seguridad sa pagkain at ang mga hakbang laban sa terorismo.

Makikipagkita din umano ang Pangulong Arroyo sa mga negosyante, mga Kongresista, Filipino Veterans at sa Filipino Communities sa bansang America. news.UNTVweb.com

Get RSS Feed
Luli: Hindi ako binigyan ng gov’t post ni PGMA

May 30, 2008

Itinanggi ni first daughter Evangeline Lourdes “Luli” Arroyo na binigyan siya ng anumang government post ng kanyang una na si Pangulong Arroyo.

Ito ay kaugnay ng naging talumpati ni Pangulong Arroyo sa pagbisita niya sa Tawi-tawi na inaatasan niya ang kanyang anak na makipagtulungan sa Department of Agriculture at DepEd sa isang sustainable fisheries project sa Tawi-tawi.

Nilinaw ng Presidential daughter na ang sinabi ng Pangulo ay kailangang makipagtulungan ng World Wildlife sa pamahalaan, kung saan si Luli ay tumatayo bilang Policy Adviser ng naturang organisasyon, upang gumawa ng feasibility studies hinggil sa full cycle mariculture.

Hindi si Luli mismo ang gagawa ng proyekto kundi tutulong lamang umano siya sa technical aspect ng mga proposals na kailangang madesisyunan ng komunidad ng naturang lalawigan.

« Previous       Next »