Lt. Gen. Yano, bagong chief of staff ng AFP
May 12, 2008
Pormal nang pamamahalaan ni Lt. Gen. Alexander Yano ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa araw na ito.
Pasan niya sa kanyang balikat ngayon ang pagsugpo sa insureksyon na patuloy na ipinaglalaban ng New People’s Army maraming dekada na ang nakararaan.
Gayundin ang pagharap sa responsibilidad sa pagdinig sa kaso ng mga kabarong sina Maj. Gen. Renato Miranda, Brig. Gen. Danilo Lim, Marine Col. Ariel Querubin at iba pang sangkot sa di umano’y bigong kudeta noong Feb. 2006.
Si Yano ay miyembro ng Phil. Military Academy “Magilas” Class 1976.
Papalitan ni Yano si Outgoing AFP Chief Hermogenes Esperon Jr. na magreretiro na sa araw na ito makaraan ang maraming kontrobersya sa extension ng kanyang termino. news.UNTVweb.com
Comments
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.
Posted by
Filed in