Biyahe sa Maynila, di mapaparalisa ng tigil-pasada
May 12, 2008
Nananawagan ang pamunuan ng National Capital Region Police sa PISTON na gawing mapayapa ang transport strike sa araw na ito.
Ayon kay NCRPO Chief Geary Barias bagamat ngayon ay nasa full alert ang buong Metro Manila Police naniniwala pa rin ang NCRPO na hindi mapaparalisa ng demonstrasyon ng PISTON ang transportasyon sa nasabing lungsod.
Base sa ulat ng NCRPO, tatlumpong porsyento lamang ang naapektuhan ng tigil pasada ng PISTON noong buwan ng Marso.
Nakakalat na ngayono ang may dalawang libong sa Cubao, Mabuhay Rotonda sa Quezon City, Marikina City, Taft Ave., at Aduana sa Maynila, Pasay City at sa Camanava Area upang magbantay sa mga posibleng mangyaring kaguluhan. news.UNTVweb.com
Comments
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.
Posted by
Filed in