Get RSS Feed
Balasahan sa Malakanyang, nagumpisa na

May 12, 2008

Kumpirmado na ang balasahan sa Malakanyang at si Press Sec. Ignacio Bunye ang unang mamamaalam sa Palasyo.

Hunyo 22 magsisimulang manungkulan si Bunye sa Monetary Board ng Bangko Sentral.

Kabilang sa maugong na pangalan na papalit kay Bunye ay sina dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor at si datingPress Usec. Michael Toledo.

Samantala, kinumpirma naman ni Exec. Sec. Eduardo Ermita na si Election Lawyer Leila de Lima ang uupo sa binakanteng posisyon ni Purificacion Quisumbing sa Commission on Human Rights. news.UNTVweb.com

Comments

3 Responses to “Balasahan sa Malakanyang, nagumpisa na”

  1. Alfredo on May 12th, 2008 11:52 am

    Sa Lahat ng mga Kinauukulan,
    Sana po ang maging pangunahing layunin ng mga manunungkulan lalo po sa gobyerno ay maging matapat na inuuna ang ikabubuti ng marami at hindi ang pansariling kapapakanan. Alalahanin po natin na tayo ay mamatay sa ayaw at sa gusto natin at magiging walang silbi ang lahat nating mga gawa at pinagpagalan kung hindi natin ginawa sa kabutihan. Napakabuti po kung kayo ay naaalaala sa mabubuting mga gawa kaysa sinusumpa dahil sa mga masasamang gawa. Kapag natupad po natin ang ating mga tungkulin sa mabubuting mga gawa pumanaw man tayo wala man pong makaalaala ay meron pong Dios na magbibigay ng gantimpala sa lahat ng gumawa ng mabuti sa kanilang buhay. Pagpalain nawa po kayo ng Dios sa lahat ng inyong gagawing mabuti sa inyong kapwa ng higit sa inyong sarili. Mabuhay po kayong lahat na gumagawa ng katuwiran at kabutihan.

  2. jejun on May 13th, 2008 5:47 am

    :twisted: kampon na naman sigurado ng :twisted: incm :evil: yan karamihan diyan…

  3. josie on May 13th, 2008 10:00 pm

    80 million na katao ang papasanin ng gobyerno(amo)

    Pas hindi napaghandaan at naging mabuti ang resulta sa mga hinaharap na mga problema.

    Sumagot ka sa amo mong sambayanang filipino.

    Public servant(CABINET)PASKIL NINYO SA MEDIA ANG MGA STATEMENT OF ASSETS AND LIABILITIES NG MGA BAGONG TAGAPAGLINKOD AT SABAY NA NINYO ANG TAX CLEARANCE NINYO KONG NAGBAYAD KAYO AT MAGKANO.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.