Gobyerno, magiipon ng bigas para sa tag-ulan
May 9, 2008
Ipagpapatuloy ng gobyerno ang agresibong pagbili ng mga bigas upang maparami ang stock ng bigas bago pa man magsimula ang panahon ng tag-ulan.
Ayon kay National Food Authority Administrator Jessup Navarro, mayroong buffer stock na 770,000 tons at 1.7 million tons na nakakontratang aangkatin, ang sasagot sa pangangailangan ng bansa sa susunod na animnapu’t araw na matatapat sa lean months ng pagtatanim ng bigas.
Pero aniya, kailangan pang bumili ng mula limangdaan hanggang pitong daang libong tonelada ng bigas bilang paghahanda sa typhoon season.
Magkagayunman, patuloy ang pagbili ng imported na bigas para masigurong may mabibiling sapat na bigas sa merkado sa kabila ng krisis na nararanasan. news.UNTVweb.com
Comments
One Response to “Gobyerno, magiipon ng bigas para sa tag-ulan”
-
BAROK on
May 9th, 2008 3:01 pm
MAY KURAKOT KAYA…
Leave a Reply
Posted by
Filed in