Bakterya sa kasilyas at computer keyboard, magkapareha!
May 9, 2008
Alam niyo ba na posibleng kasingdumi ng kasilyas o toilet ang dumi na tinataglay ng inyong mga ginagamit na computers?
Sa isinagawang survey ng United Kingdom Consumer Watchdog at Publication Group na “Which?”, lumitaw na ang computer keyboards ay nagtataglay ng mga bacteria na karaniwang nakikita sa mga toilet.
Napag-alaman na ang karaniwang sangi ng pagkakaroon ng bacteria sa keyboard ng computer ay ang pagkain sa table na malapit sa keyboard. Ayon sa mga eksperto, ang mga mumo mula sa pagkain ay karaniwang nagiging breeding ground ng milyon-milyong bacteria.
Ang isa pang itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng bacteria sa keyboard ay ang hindi paghuhugas ng kamay pagkagaling sa toilet o rest room.
Dahil dito, ipinapayo ng mga dalubhasa na regular na linisin ang keyboard, mouse at monitor ng inyong computer upang maiwasang maging breeding ground ito ng mga bacteria at posibleng magdulot ng pagkakasakit. news.UNTVweb.com
Comments
7 Responses to “Bakterya sa kasilyas at computer keyboard, magkapareha!”
Leave a Reply
Posted by
Filed in
GOOD INFO..THANKS..
AH GANUN PALA
ahh ganun pla well it’s very good info..thnks a lot

very surprising!!! tnx sa kanila kaya ngayon alam ko na….
ok, thanks sa info