53 paaralan sa NCR magtataas ng singil sa matrikula
May 9, 2008
Inaasahang dadagsa ang mga mag-aaral sa mga pampublikong eskwelahan sa elementarya at hayskul dahil sa paglipat ng mga ito mula sa mga pribadong paaralan bunsod ng mataas na tuition fee.
Ito ang naging pahayag ng DepEd bunsod na rin ng isinampang petisyon ng 53 private schools sa National Capital Region para sa tuition fee increase sa darating na pasukan.
Ayon sa DepEd-NCR papayagan ang isang paaralan na magtaas ng singil sa matrikula kung mapupunta ito sa paga-upgrade ng kagamitan at dagdag sahod sa mga guro. Sa Mayo 15 ang deadline ng paghahain ng petisyon.
Karaniwan nang problema ng gobyerno ang kakulangan sa guro at sa classrooms sa mga pampublikong paaralan tuwing magsisimula ang pasukan. news.UNTVweb.com
Comments
One Response to “53 paaralan sa NCR magtataas ng singil sa matrikula”
Leave a Reply
Posted by
Filed in
Ibigay na ng gobyerno lahat ng BONUSES AND BENEFITS ng mga mangagawa sa buong taon sa panahon ng enrollment pambayad matrikula.