Appointment ng mga opisyal ng militar, aprubado na ni GMA
May 7, 2008
Inaprubahan na ni Pangulong Arroyo ang Appointment ng anim na opisyal ng militar na uupo sa maseselang posisyon sa organisasyon.
Kaugnay ito ng nalalapit na pagreretiro ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon Jr. sa Mayo 2 na papalitan naman ni Lt. Gen. Alexander Yano.
Ang mga opisyal na nabigyan ng panibagong posisyon sa militar ay si Lt. Gen. Rodolfo Maclang bilang Deputy Chief of Staff; Lt. General Victor Ibrado bilang Commanding General ng Philippine Army; Lt. General Pedro “Ike” Inserto bilang Commander ng AFP Central Command; si Maj. Gen. Amado Cunanan naman bilang Commander ng Eastern Mindanao Command at si Maj. Gen. Isagani Cachuela bilang Commander ng Northern Luzon Command. news.UNTVweb.com
Comments
Leave a Reply
Posted by
Filed in