Imbestigasyon ng Senado sa NBN scandal, tatapusin na
April 30, 2008
Isasara na ng Senado ang imbestigasyon sa kontrobersyal na National Broadband Deal sa ZTE Company ng China kung wala nang haharap na testigo upang mag-prisinta ng ebidensya sa kanilang pagdinig. Ito ang naging pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Allan Peter Cayetano hinggil sa nasabing usapin. Ayon pa kay Cayetano, inihahanda na nila ang full committee report hinggil sa NBN-ZTE deal at mayroon na umanong rekomendasyon at remedial legislation ang mga Senador upang hindi na maulit ang mga anomalya sa susunod na proyekto ng pamahalaan. Sa kabila nito, naghahanap pa rin ng link ang mga mambabatas na direktang magtuturo na may kinalaman ang Palasyo sa kontrobersya, pero aminado si Cayetano na walang direktang testimonya na magdidiin sa Pangulo, pero may mga ebidensya umanong nagtuturong direkta sa Office of the President gaya ng naging pahayag noon ni CHEd Chairman Romulo Neri nang alukin siya ng 200 milyon at ikinonsulta niya ito sa Pangulo. news.UNTVweb.com
Comments