Paggamit ng backpack, nakakaapekto sa ugat sa balikat
April 9, 2008
Ang straps ng backpack ay maaaring makaipit sa ugat sa balikat at maging sanhi ng abnormal o mataas na pressure sa ugat at mahinang daloy ng dugo sa balikat at kamay.
Ayon sa pag-aaral nina Timothy Neuschwander, Brandon Macias, at Alan Hargens ng Department of Orthopaedic Surgery sa University of California - San Diego — lumabas na kapag may bigat na 26 pounds ang laman ng backpack ay nakapagpapabawas na ito ng Macrovascular blood flows sa upper extremity ng katawan.
Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol o pagmanhid ng balikat at kamay gayundin ang mabilis na pagkapagod.
Ang pananaliksik ay nailathala sa pahayagang Medical News Today. news.UNTVweb.com
Comments
2 Responses to “Paggamit ng backpack, nakakaapekto sa ugat sa balikat”
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.
Posted by
Filed in
Salamat po sa info. Kaya po pala masakit lagi katawan ko, tapos parang laging pagod kamay ko kasi naipit ugat ko sa balikat tuwing nagma-mountaineering po ako. Mahigit 16 kg of baggage dala kasi. Dahil sa info, kailangan kong mag-adjust.
yes this is so true! i no longer use a backpack for a year now. nawala na po ang sakit sa balikat ko.