Get RSS Feed
Imbestigasyon ng Senado sa NBN scandal, tatapusin na

April 30, 2008

Isasara na ng Senado ang imbestigasyon sa kontrobersyal na National Broadband Deal sa ZTE Company ng China kung wala nang haharap na testigo upang mag-prisinta ng ebidensya sa kanilang pagdinig. Ito ang naging pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Allan Peter Cayetano hinggil sa nasabing usapin. Ayon pa kay Cayetano, inihahanda na nila ang full committee report hinggil sa NBN-ZTE deal at mayroon na umanong rekomendasyon at remedial legislation ang mga Senador upang hindi na maulit ang mga anomalya sa susunod na proyekto ng pamahalaan. Sa kabila nito, naghahanap pa rin ng link ang mga mambabatas na direktang magtuturo na may kinalaman ang Palasyo sa kontrobersya, pero aminado si Cayetano na walang direktang testimonya na magdidiin sa Pangulo, pero may mga ebidensya umanong nagtuturong direkta sa Office of the President gaya ng naging pahayag noon ni CHEd Chairman Romulo Neri nang alukin siya ng 200 milyon at ikinonsulta niya ito sa Pangulo. news.UNTVweb.com

Get RSS Feed
Tambak na basura sa Metro Manila, babawasan ng MMDA

April 30, 2008

Gagawing enerhiya ng Metro Manila Development Authority ang Methane gas dulot ng mga nabubulok na basura upang mabawasan ang itinatapon ng mga lungsod at mabawasan ang pagiging landfill dependent ng lungsod. Ito ang naging pahayag ni MMDA Chairman Bayani Fernando upang maresolba ang problema sa basura sa Metro Manila lalo na’t hindi na kayang i-accommodate ng mga landfills ang mga ito. Nakikipag-ugnayan na rin si Fernando sa mga prospective investors na nagnanais tumulong sa pagpapagawa ng Methane Gas Plant na inaasahang makapagpapabawas ng animnapung porsiyento sa dami ng basurang itatapon.  

Bukod sa methane gas, isa rin sa by-product nito ay magagamit na fertilizer. news.UNTVweb.com

Get RSS Feed
Dagdag benepisyo para sa mga brgy. tanod, isinulong sa Kamara

April 30, 2008

Isinusulong ni Quezon Rep. Wilfredo Mark Enverga sa Kamara ang pagkakaroon ng karagdagang benepisyo para sa mga baranggay tanod sa bansa. Sa House Bill 2459, nais ng Kongresista na mabigyan ng health, social security protection, retirement, unemployment at educational benefits, ang mga tanod dahil sa kanilang tungkuling mapanatili ang peace and order sa baranggay. 

Ayon pa sa panukala ni Enverga, gagawing miyembro ng GSIS ang isang tanod sa panahon ng kanyang panunungkulan gaya ng isang empleyado ng gobyerno. Nais din ng kongresista na mai-exempt sa income tax, gayundin ang compensation, at allowance ang mga barangay tanod. news.UNTVweb.com

 

Next »

Close
E-mail It