March 28, 2008
Tiniyak ng Gobyerno ng Vietnam na makapag-aangkat ang Pilipinas ng 1.5 million metric tons ng bigas bawat taon simula ngayong 2008.Ito ay upang matugunan ang magiging kakulangan sa supply dulot ng mga kalamidad na karaniwan nang nag-reresulta sa pagkaunti ng ani.Sinaksihan ng Pangulo ang paglagda nina Agriculture Secretary Arthur Yap at Vietnamese Industry and Trade Minister Yu Huy Hoang ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.Umaasa si Yap na malaking tulong ang nasabing kasunduan upang makatiyak na sapat ang supply ng bigas ng National Food Authority. UNTVweb.com
March 28, 2008
Paiigtingin ng National Food Authority ang panghuhuli sa nabunyag na illegal na pagre-repack ng NFA Rice.
Ayon kay NFA Administrator Jessup Navarro – ang mga trak na mismo ng NFA ang magdedeliver ng bigas sa mga palengke na dati’y pinipickup lamang ng mga retailers.
Naglagay na rin aniya sila ng mga tauhan upang matiyak na sa tamang presyo maibebenta ang NFA Rice.Ang NFA na rin umano ang magrerepack ng tig iisa hanggang dalawang kilo ng bigas sa plastik upang matiyak na NFA Rice ang ibinebenta sa mga pamilihan.
Nanawagan ang NFA sa publiko na ireport agad ang illegal na repacking na bigas, kaso ng hoarding at mga katulad nito.UNTVweb.com
March 28, 2008
Isinusulong ni House Speaker Prospero Nograles ang mas mabigat na parusa sa mga negosyanteng nagsasamantala sa nararanasang kakulangan sa supply ng bigas at mga nagtatago ng produktong petrolyo. Ayon kay Nograles - panahon na upang repasuhin sa Kongreso ang Republic Act 7581 o Price Act of 1992 upang mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga negosyanteng nagmamanipula sa presyo ng basic commodities gaya ng bigas at produktong petrolyo. Ipinaliwanag ng mambabatas na sa ilalim ng umiiral na batas – makukulong lamang ng hanggang labinlimang taon at multang aabot sa dalawang milyong piso ang parusa sa sinomang mapapatunayang sangkot sa hoarding o pagsasamantala. UNTVweb.com
« Previous Next »