‘Neri, resign!’ - sigaw ng mga estudyante at guro ng UP
March 28, 2008
Pinagbibitiwin ng ilang mga guro at estudyante ng University of the Philippines si CHEd Chairman Romulo Neri. Ito ang isinalubong nila sa opisyal nang nagtungo ito sa UP upang dumalo sa pulong ng Board of Regents ng unibersidad.Sa hagdanan pa lamang ng hall inabangan na si Neri ng mga nagpoprotestang guro at miyembro ng University Council bitbit ang plakang nananawagan ng kaniyang pagbaba sa pwesto dahil sa patuloy na pagkukubli sa naging usapan nila ng pangulo kaugnay ng ZTE Deal.Deadma naman si Neri sa mga banat sa kanya at sinabing inuunawa na lamang nya ang pananaw ng mga sumama sa protesta. Nagkita rin sila ni Senator Alan Peter Cayetano na miembro rin ng Board of Regents subalit hindi na nito naungkat kay Neri ang isyu ng Executive Privilege. UNTVweb.com
Comments