Housing projects, regalo ni PGMA sa mga nagtapos na sundalo at pulis
March 28, 2008
Ipinamamadali ni Pangulong Arroyo kay Housing Czar at Vice President Noli de Castro ang Housing Project para sa hanay ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police gamit ang may limampung ektaryang lupa sa likod ng PNP Academy sa Silang, Cavite.
Ipinagmalaki ng Pangulo sa harap ng mga nagsipagtapos sa PNPA ang mga hakbang ng gobyerno upang mapaganda ang kalagayan ng mga pulis at sundalo.
Kabilang dito ang pagbibigay ng health benefits, pagbibigay ng performance bonus at ang naturang housing projects.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang umano’y tatlong bagong helicopters at patrol boats para sa PNP na darating sa susunod na linggo.
Minamadali rin ng pamahalaan ang implementasyon ng AFP Modernization project upang masugpo ang insureksyon sa bansa bago sumapit ang taong 2010. UNTVweb.com
Comments
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.
Posted by
Filed in