Get RSS Feed
Colon cancer, pangatlo sa sanhi ng pagkamatay ng mga Asyano

March 25, 2008

Ang sakit na colon cancer ay ang pang-anim sa pinaka-common na uri ng cancer na nakaaapekto sa mga pilipino; pangatlo naman ito naman sa buong rehiyon ng asya. Sinusundan nito ang cancer of the lungs, breast, liver and cervix at leukemia.

Ayon sa us national cancer institute, isa sa bawat labingwalong katao ang kinakapitan ng sakit na ito at kalimitang naapektuhan nito ay ang mga taong nagkakaedad ng 50 pataas.

Ang apektadong bahagi ng katawan ay ang four-foot tube shaped organ o bituka ng tao na siyang nag-aabsorb ng sustansya mula sa mga pagkain at nagko-kontrol ng bowel movements.

Ang mga sintomas ng sakit na ito ay ang pagdurugo ng rectal area, pagkakaroon ng dugo sa dumi ng tao, hindi regular na pagbabawas, hindi maipaliwanag at malimit na pagsusuka at ang biglaang pagbasak o pangangayat ng katawan. Ang mga apektado ng sakit na ito ay nakararanas rin ng matinding pananakit ng tiyan at rectum area.

Sinasabi naman na ang mga taong may kamag-anak na may sakit na colon cancer ay may malaking posibilidad na magkaroon rin nito.

Nakukuha rin ang sakit na ito sa pamamagitan ng hindi pagkakaroon ng wastong diyeta, intake ng marurumi at kontaminadong pagkain, sobrang pagkain ng karne at taba ng hayop, obesity, at paninigarilyo. UNTVweb.com

Comments

One Response to “Colon cancer, pangatlo sa sanhi ng pagkamatay ng mga Asyano”

  1. nice on May 17th, 2008 2:58 pm

    ano ba ang dapat gawin para maiwasan ang colon cancer?

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.