Mga grupong lalahok sa interfaith rally sa Makati, nakahanda na
February 29, 2008
Lalahok ang grupo ng mga abogado sa interfaith rally na gaganapin mamaya upang igiit ang pagbaba ni Pangulong Arroyo sa pwesto.
Ayon sa grupong Concerned Lawyers for Civil Liberties nais nilang magbitiw sa pwesto ang pangulo dahil sa mga kasong betrayal of public trust, graft and corruption at culpable violation of the Constitution kaugnay ng nakanselang ZTE broadband deal.
Ang panawagan ay base sa anila’y mapanupil na taktika ng administrasyong Arroyo para pigilin ang paglabas ng katotohanan sa ZTE Contract. At ang sinasabing pagdukot kay ZTE star witness Jun Lozada.
Hinikayat rin nila ang iba pang law professionals na sumali sa gagawing rally mamaya sa Makati upang hilingin ang pagbaba ng pangulo sa pwesto. UNTVweb.com
5,000 pulis pinakalat sa buong Metro Manila para sa rally sa Makati
February 29, 2008
Nakakalat ngayon ang 5,000 tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t-ibang bahagi ng kalakhang Maynila.
Pero nilinaw ni NCRPO chief Geary Barias na hindi ito pananakot sa mga nagbabalak na sumama sa ikinasang kilos-protesta na nananawagan ng pagbaba ni Pangulong Arroyo sa pwesto – kundi bilang Security Measure laban sa mga maaaring magsamantala sa sitwasyon.
Ayon kay Barias hindi ipoposte ang nasabing bilang ng mga pulis sa gaganaping interfaith rally sa Makati mamaya. Ipakakalat aniya ang mga ito sa Mendiola, Edsa Shrine at ilang pang lugar na paboritong puntahan ng mga ralyista. UNTVweb.com
CBCP, hindi sasama sa interfaith rally sa Biyernes
February 28, 2008
Tinatayang dodoble pa ang mga sasama sa inter-faith rally na gaganapin bukas sa lungsod ng Makati sa kabila ng pahayag ng CBCP na hindi sila sasama sa panawagang pagbibitiw sa pwesto ni Pangulong Arroyo.
Ayon sa mga organizers ng nasabing kilos protesta — ito’y pangungunahan ng ilang religious groups, mga kabataan, business sector, militanteng grupo at civil society groups.
Todo-alerto naman ang pambansang pulisya sa gaganaping rally at ikinasa na rin nito ang mga patakarang kailangang sundin ng mga ralyista. UNTVweb.com
Posted by
Filed in
