Get RSS Feed
Mga guro na lalahok sa rally sa Makati, pinayuhang lumiban sa trabaho

February 29, 2008

Pinayuhan ni Department of Education Secretary Jesli Lapus ang mga Public School Teachers na magfile ng leave of absence kung hindi mapipigilang lumahok sa rally mamaya.

Ayon sa Kalihim - posibleng managot sa batas kapag basta-basta sila lumiban sa kanilang klase gayong ang kapakanan ng mga estudyante ang dapat nilang maging prioridad.

Hindi rin daw papayagan ang mga guro na makisali sa demonstrasyon kahit pa sa oras ng lunchbreak dahil imposible aniyang makabalik ang mga ito sa klase kapag naipit sa rally. UNTVweb.com

Comments

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.