Get RSS Feed
Korte Suprema, umaming walang pondo para sa seguridad ng mga Korte sa bansa

January 30, 2008

Aminado ang Korte Suprema na wala silang pondo para bigyang seguridad ang mga hukuman sa bansa.

Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Midas Marquez - ito ang dahilan kaya’t hindi rin nasusunod ang circular na nagsasabing dapat ay may Court Personnel na nagiinspeksyon sa lahat ng pumapasok sa mga Court Room.

Sa harap nito ay nagsasagawa na rin ng sariling pagsisiyasat ang kataas-taasang hukuman kung paano nakapagpasok ng aril sa Korte ang di pa nakikilalang gunman.

Si dating Mayor Reynaldo Yap ng Misamis Occidental ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan matapos itong tadtarin ng bala kahapon habang dumadalo ng hearing sa Manila Regional Trial Court. UNTVweb.com

Get RSS Feed
Presyo ng gasolina, bumaba ng piso kada litro

January 30, 2008

Nag-rollback ng presyo ang ilang kumpanya ng langis - bunga ng pagbaba ng taripa sa inaangkat na produkto.

Simula kaninang hatinggabi ay nagbaba ng piso kada litro sa diesel, gasolina at kerosene ang Unioil; na agad na sinundan ng Eastern Petroleum ngayong umaga.

Sa biyernes - magbibigay rin ng pisong rollback kada litro ang Pilipinas Shell, Petron, Seaoil at Chevron; na inaasahang susundan ng iba pang oil dealers sa bansa. UNTVweb.com

Get RSS Feed
Tagalog movies, ipinanukalang lagyan ng english subtitle

January 24, 2008

Pinalalagyan ng English Subtitle ng isang Kongresista ang lahat ng pelikulang tagalog.

Kapalit nito - bibigyan ng diskwento sa buwis o tax incentive ang lahat ng TV Networks, theater owners, at Movie Producers na nakahandang sumunod.

Layon ng panukala ni Cebu Cong. Eduardo Eduardo Gullas na lalong mapahusay ang mga Pinoy sa pagsasalita at pag-unawa ng wikang Ingles - na napakahalaga angyon sa paghahanap ng magandang trabaho. UNTVweb.com

« Previous       Next »