Pagbuhay sa Hello Garci issue, sinuportahan ng ilang Comelec Commissioners
January 30, 2008
Suportado ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento ang panawagang buhayin ang imbestigasyon sa Hello Garci issue.
Sa harap ito ng hamon ni CBCP President Antonio Ledesma kay bagong Comelec Chairman Jose Melo na ungkatin ang usapin para manumbalik ang kredibilidad ng komisyon.
Sa ganitong paraan lang aniya mawawala ang duda ng taumbayan sa umano’y dayaang nangyari noong 2004 at para na rin pagtiwalaan ng publiko ang magiging resulta ng susunod na Presidential Elections. UNTVweb.com
Bagong Witness sa ZTE scandal, malabo nang sumipot sa pagdinig sa Senado
January 30, 2008
Malabo nang sumipot sa Senate Hearing ang bagong testigo ng ZTE Scandal.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson - hindi lang kasi si Engr. Rodolfo Lozada ang tumatanggap ng death threats kundi pati ang kanyang buong pamilya.
Sa harap nito ay umaasa pa rin si Lacson na haharap sa pagdinig si Lozada - dahil malaki aniya ang maitutulong ng testimonya nito; umoara sa mga naunang pahayag nina NEDA Sec. Romulo Nero at Joey de Venecia. UNTVweb.com
Pagpapalakas sa mga Police Detachments, ilulunsad ng PNP
January 30, 2008
Palalakasin ng PNP ang lahat ng kanilang detachment - lalo na ang malapit sa mga hukuman.
Bahagi ito ng iniutos ni PNP Chief Avelino Razon sa kanyang Directorial Staff - kasunod ng pamamaril na naganap sa Manila RTC kahapon.
Sa forum na ginanap sa Campo Crame - nais rin ni Razon na i-regulate ang bentahan ng uniporme ng pulis; na ngayon ay karaniwan na lamang nabibili ng kahit sinong sibilyan.
Sa pinakahuling ulat - nagsuot ng police uniform ang bumaril kay dating Mayor Yap; at ito ay naglakad lamang palabas ng hukuman.
Samantala - maglalatag naman ng Surveillance camera ang Manila Police sa paligid ng City Hall; kasabay ng pagbili ng mga metal detector. UNTVweb.com
Posted by
Filed in
