Get RSS Feed
Presyo ng mga bilog na prutas tumaas na

December 28, 2007

Tumaas na ang presyo ng mga bilog na prutas na karaniwan nang inihahain sa mesa sa bagong taon. At inaasahan mas tataas pa ito hanggang December 21.

Tumaas ng piso kada piraso ang ponkan; ang fuji apple na dating sampung piso ngayon ay kinse pesos na. 

Ang chico na dati ay P20  kada kilo, ngayon ay beinte singko pesos na.  Ang ubas na dating P180  lang ngayon ay nasa tatlong daang piso na kada kilo – tumaas ito ng halos kalahati mula sa dati nitong presyo.

                Ang lokal na prutas na dalandan ay abot kaya pa rin sa halagang sampung piso kada kilo habang ang kastanyas naman ay mabibili na ng isandaang piso kada kilo. UNTVweb.com

Get RSS Feed
Mga paputok buyers, dagsa na sa Bocaue

December 28, 2007

Ngayon pa lamang ay dumarami na ang namimili ng mga paputok sa Bocaue sa lalawigan ng Bulacan na itinuturing na fireworks’ capital ng bansa.

Dobleng seguridad naman ang ipinaiiral ng mga otoridad sa lalawigan upang maiwasan ang anumang disgrasya.

Nagtalaga ang lokal na pamahalaan ng isang fire truck at ambulansya na naka-antabay maghapon at magdamag sa mga stalls. May mga fire extinguishers din at imbakan ng tubig bilang bahagi ng safety measures na ipaiiral ng lokal na pamahalaan.

Paalalang muli sa mga mamimili, huwag bumili ng mga paputok na walang label ng manufacturers; iligal o ipinuslit na paputok; at mga banned firecrackers gaya ng pla-pla, superlolo, at iba pang malalakas na uri.

                Bumili lamang sa mga licensed manufacturers upang matiyak na hindi delikado ang produktong nabili. UNTVweb.com

Get RSS Feed
Malakanyang umapela sa publiko na umiwas sa pagpapaputok sa bagong taon

December 28, 2007

                Nanawagan ang Palasyo sa publiko na huwag magpaputok sa pagsalubong sa bagong taon. 

          Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita – ito ay upang makaiwas sa sakuna na kalimitan nang nangyayari kapag ganitong panahon.

Ipinapaala-ala rin ni Ermita na taon-taon ay dumarami ang mga isinusugod sa ospital matapos mabiktima ng pagpapaputok.  Ito rin aniya ang kalimitang pinagmumulan ng sunog. 

Sa talaan ng Department of Health umaabot na sa animnapu’t anim ang bilang ng mga firecracker related injuries.  Pito sa mga biktima ang kailangang putulan ng bahagi ng katawang naputukan.

Dahil dito, naka-standby na ang lahat ng mga ospital biglang paghahanda sa nalalapit na bagong taon. 

                Payo ng DOH gumamit na lang ng alternatibong paraan ng pag-iingay sa halip na gumamit ng mapanganib na paputok. UNTVweb.com

« Previous       Next »