Get RSS Feed
Pagbabawal sa mga laruang may “phthalate” isusulong sa senado

December 28, 2007

Hiniling ni Senator Miriam Santiago ang tuluyang pagbabawal sa mga laruang may “phthalate” content na makapagdudulot ng genital birth defects lalo na sa mga batang lalake.

Pinamagatan ni Senator Santiago ang kanyang Senate Bill 1912 na “Phthalate-free Toy Act of 2007”.

Nakasaad dito na base sa pag-aaral ng United States Center for Disease Control ang nakitang sanhi ng genital birth defects ng mga batang lalake ay dahil na-expose ang kanilang mga ina sa phthalates.

Ang phthalates o phthalate esters ay mga synthetic chemical compounds na kadalasang inihahalo na plasticizers.  Ito ay ang mga substance na idinaragdag sa plastic upang mapataas ang flexibility nito.

                Matatagpuan ito sa mga plastics, pesticides at personal care products katulad ng shampoos, soaps at makeup. UNTVweb.com

Comments

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.