Pagbabawal sa mga laruang may “phthalate” isusulong sa senado
December 28, 2007
Hiniling ni Senator Miriam Santiago ang tuluyang pagbabawal sa mga laruang may “phthalate” content na makapagdudulot ng genital birth defects lalo na sa mga batang lalake.
Pinamagatan ni Senator Santiago ang kanyang Senate Bill 1912 na “Phthalate-free Toy Act of 2007”.
Nakasaad dito na base sa pag-aaral ng United States Center for Disease Control ang nakitang sanhi ng genital birth defects ng mga batang lalake ay dahil na-expose ang kanilang mga ina sa phthalates.
Ang phthalates o phthalate esters ay mga synthetic chemical compounds na kadalasang inihahalo na plasticizers. Ito ay ang mga substance na idinaragdag sa plastic upang mapataas ang flexibility nito.
Matatagpuan ito sa mga plastics, pesticides at personal care products katulad ng shampoos, soaps at makeup. UNTVweb.com
Sistema ng BuCor, sinisi sa pagkasibak ni Dapat sa pwesto
December 28, 2007
Sinisi ng sinibak na Bureau of Corrections Head na si Ricardo Dapat ang kapabayaan sa sistema ng mga nauna sa kanya kaya nagkaroon ng kaguluhan sa isyu ng paglaya ni dating Zamboanga del Norte Representative Romeo Jalosjos.
Kinondena rin ni Dapat si Justice Secretary Raul Gonzales sa di nito pakikinig sa kanyang panig.
Naniniwala rin si Dapat na siya ang sumalo ng lahat ng kapalpakan at kapabayaan ng mga naunang nanungkulan sa pagka-hepe ng BuCor.
Sinabi rin ni Dapat na alam ng Malakanyang ang release order ni Jalosjos na may petsang December 16 dahil pirmado ito ni Executive Secretary Eduardo Ermita. UNTVweb.com
BGen. Danilo Lim parurusahan ng death by firing squad
December 28, 2007
Death by firing squad ang naghihintay na parusa kay Brigadier General Danilo Lim sakaling mapatutunayan ng General Court marshal ang kaniyang pagkakasangkot sa planong pagpapabagsak sa pamahalaan.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Deputy Public Information Officer Major Ben Sagala – parusang kamatayan ang kakaharapin ng sinomang sundalong lalabag sa Articles of War 67 o rebelyon.
May kinalaman ang kaso ni Lim sa nangyaring Marine standoff noong ika-dalawa ng Pebrero 2006 at isinasailalim rin sa imbestigasyon ng Board of Inquiry dahil naman sa Manila Peninsula standoff kamakailan. UNTVweb.com
Posted by
Filed in
