Fake PDEA carolers, gagala na sa holiday season
November 29, 2007
Muling nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagiikot ng dalawang grupong nagpapakilalang Accredited Members ng ahensya.
Ang mga ito’y nagiisyu ng pekeng Accreditation card - kapalit ng donasyon para umano sa raffle ng PDEA.
Nilinaw ni PDEA Dir. Dionisio Santiago na hindi kailanman naging konektado sa kanilang grupo ang Citizen Anti-drug Action Group at Philippine Anti-drug Support Group Inc.
Ang dalawang pangkat na ito ay lantarang lumalapit sa mga negosyante at ginagamit ang pangalan ng PDEA para manghingi ng regalo at pera. UNTVweb.com
Rali sa araw ni Bonifacio, kasado na
November 29, 2007
Magrarali ang iba’t ibang militanteng grupo bukas, araw ng Biyernes, bilang paggunita sa araw ni Bonifacio.
Pangungunahan ito ni Bayan Secretary General Renato Reyes - na may kinalaman sa pagkundena sa administrasyong Arroyo dahil sa mga anomalya at eskandalong kinasangkutan nito.
Ang pagkilos ay suportado rin ng United Opposition; People’sMovement AgainstPoverty at iba pang samahang magmamartsa mula sa Liwasang bonifacio hanggang Palasyo. UNTVweb.com
U.S. Mediation sa hatol kay Ranario, hiniling
November 29, 2007
Hiniling ng Pilipinas na mamagitan ang United Nations sa kaso ni Marilou Ranario.
Ang usapin ay idudulog ni Migrante International Chairperson Connie Bragas-Regalado - na naniniwalang makukumbinsi ng U.N. ang pamahalaang Kuwait na baligtarin ang hatol na bitay laban sa Pinay na manggagawa.
Iginiit ni Regalado na dumanas ng pang-aabuso at nalabag ang karapatang pantao ni Marilou kung kaya nagawa nitong paslangin ang kanyang amo. UNTVweb.com
Posted by
Filed in
