Kinidnap na bombay, nakatakas
November 29, 2007
Nakatakas ang isang Indian National na kinidnap noong lunes sa Pampanga. Si Raghbir Chand, 31 taong gulang na nakatira sa 144 Miracle Avenue Villa Dolores, Angeles City ay tinambangan ng walong kalalakihan, 5
Ang sasakyan na ginamit ng mga suspek ay isang car for rent pagkatapos ay pinalitan ng plate number na ang nakalagay ay VICE MAYOR. Dinala sa Orani, Bataan ang biktima upang doon ay ikulong.
Habang ang dalawang bantay ay nagsi-cr, agad na tumakbo ang biktima at humingi ng tulong sa kapitbahay upang mai-report sa mga pulis ng Bataan.
Sa pakikipagtulungan ng CIDG at mga pulis ng Magalang, Pampanga, nadakip kagabi ang isa sa mga suspek na si Sukhdev Raj at ang isa pang suspek na si Boota Singh naman ay sumama sa Maynila upang ituro ang iba pa sa kaniyang mga kasamahan. UNTVweb.com
Comments
2 Responses to “Kinidnap na bombay, nakatakas”
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.
Posted by
Filed in
AMEN