Get RSS Feed
Exotic cars, tampok sa Dubai Motor Show

November 21, 2007

Matagumpay na idinaos ang ika-9th Middle East International Motor Show sa sa Dubai.

Ang nasabing Motor Show ay ginaganap every two years na kung saan tampok rito ang iba’t ibang yari ng sasakyan maging ang mga latest at futuristic designed cars mula sa iba’t ibang manufacturer’s, tuners at designers sa buong mundo.

Ang mga sasakyang Ferrari, Porsche, Lamborghini, Mercedes benz, Bugatti, Audi, Shelby, Ford, Bently at Rolls Royce ay ilan lamang sa mga mga sasakyang matatagpuan sa motor show na ito.

Ang karaniwang bumibisita sa show na ito ang mga VIP’s, Top Government Officials, mga Royalties at iba pang matataas na tao sa lipunan sa United Arab Emirates.

Tampok rin sa show na ito ang World’s Top 10 Fast and Fabulous Cars. Nanguna naman ang Ultimate Aero ng Shelby Supercars na nagset ng World’s Fastest Production Car Record na may average top speed na 413 kph.

At gaya ng inaasahan, namigay rin ng high-powered treats para sa lahat ng mga car enthusiasts sa buong mundo na tiyak kinagiliwan ng mga ito. UNTVweb.com

Comments

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.