Kinidnap na bombay, nakatakas
November 29, 2007
Nakatakas ang isang Indian National na kinidnap noong lunes sa Pampanga. Si Raghbir Chand, 31 taong gulang na nakatira sa 144 Miracle Avenue Villa Dolores, Angeles City ay tinambangan ng walong kalalakihan, 5
Ang sasakyan na ginamit ng mga suspek ay isang car for rent pagkatapos ay pinalitan ng plate number na ang nakalagay ay VICE MAYOR. Dinala sa Orani, Bataan ang biktima upang doon ay ikulong.
Habang ang dalawang bantay ay nagsi-cr, agad na tumakbo ang biktima at humingi ng tulong sa kapitbahay upang mai-report sa mga pulis ng Bataan.
Sa pakikipagtulungan ng CIDG at mga pulis ng Magalang, Pampanga, nadakip kagabi ang isa sa mga suspek na si Sukhdev Raj at ang isa pang suspek na si Boota Singh naman ay sumama sa Maynila upang ituro ang iba pa sa kaniyang mga kasamahan. UNTVweb.com
Parusang latigo sa mga estudyante, isasabatas sa Malaysia
November 29, 2007
Isinusulong sa Malaysia na latiguhin at paluin ng baston ang lahat ng estudyanteng matigas ang ulo.
Ang mugkahing ito ay nagmula mismo sa mga Education Officials na madalas sumasakit ang ulo dahil sa mga batang sangkot sa bandalismo at paninigarilyo.
Kamakailan ay pinayagan na ang paglatigo sa mga estudyanteng lalaki - at ngayon naman ay nais nilang ipatupad na rin ito sa mga kababaihan bilang parusa sa seryosong paglabag sa patakaran ng paaralan. UNTvweb.com
Umento sa sahod ng guro ipatutupad sa Hunyo 2008
November 29, 2007
Tatanggap ng panibagong umento sa suweldo ang mga pampublikong guro sa kalagitnaan ng susunod na taon.
Ito ang magandang balita ni Pangulong Gloria Arroyo sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines na ginanap sa Cebu City.
Bukod dito - madadagdagan rin ng isanlibong piso ang bayad sa kanilang serbisyo tuwing panahon ng eleksyon.
Hiniling rin ng Pangulo sa mga Local Executives na bigyan ng bonus ang mga guro ngayong Disyembre bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo. UNTVweb.com
Posted by
Filed in
