Get RSS Feed
Barangay Elections - bubuwagin na

October 31, 2007

Dapat nang buwagin ang Barangay Elections sa Pilipinas.

Ito ang pananaw ni Election Lawyer Romulo Macalintal - na naniniwalang wala na itong ipinagkaiba sa National Elections; na parehong punumpuno ng intriga at patayan.

Sa halip - iminungkahi niyang dagdagan na lamang ang bilang ng mga Konsehal; at pagbuo ng Barangay Affairs na tutugon sa lahat ng usapin may kinalaman sa barangay.

Naniniwala si Macalintal na sa ganitong paraan ay mapipigilan ang pagdami ng mga tiwaling opisyal ng Pamahalaan. UNTVweb.com

Get RSS Feed
Mga Guro na nagsilbi sa halalan, di pa nababayaran!

October 31, 2007

Muling lulusob sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga gurong nagsilbi sa katatapos na halalan na hindi pa rin nababayaran.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairman Antonio Tinio - kabilang sa mga naniningil na guro ay mula sa Caloocan, Malabon, Muntinlupa, Paranaque, Pasay, Pasig, Valenzuela, San Jose, Del Monte, Meycauayan sa Bulacan at lalawigan ng Pampanga.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Education Usec. Franklin Sunga na posibleng maibigay na sa susunod na linggo ang sinisingil nilang tig-tatlong libong (P3,000) pisong upa; bukod pa ang limandaang (P500) pisong Transportation Allowance na ipinangako ng COMELEC. UNTVweb.com

Get RSS Feed
Nanalong kandidato sa halalan na pakawala ng NPA - sinisiyasat na ng PNP

October 31, 2007

Dadamputin ng Philippine National Police (PNP) ang mga nanalong opisyal ng Barangay na pinaniniwalaang pakawala ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Sa katunayan, sinabi ni PNP Operations Director Silverio Alarcio na kasalukuyan na silang nagsasagawa ng Assessment kung sino ang mga nanalong kandidato na nasa loob ng itinuturing na NPA Influenced Area.

Kabilang rin sa aarestuhin ang mga Kagawad at Sangguniang Kabataan (SK) Officials na mapatutunayang sumusuporta at nakikipag-ugnayan sa mga komunista. UNTVweb.com

« Previous       Next »