Get RSS Feed
Gun Ban Violators - wala pang 50% ang nakasuhan

October 31, 2007

Wala pa sa kalahati ng mahigit tatlong daang (300) kataong inaresto ang aktwal na nakasuhan dahil sa paglabag sa Gun Ban na ipinatupad ng Commission on Elections (COMELEC).

Katwiran ng Philippine National Police (PNP) - nagiingat lamang silang ma-teknikal upang hindi mabasura ang asunto.

Sa kabuuan ay isandaan at dalawampu’t anim (126) pa lamang ang nasampahan ng kaso - mula sa tatlongdaan at limampu’t pitong (357) naaresto.

Sa naturang bilang -  siyam rito ang pulis; dalawa ang militar; dalawa ang Government Officials; labingsiyam na Security Guards at ang iba ay pawang mga sibilyan. UNTVweb.com

Comments

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.