Get RSS Feed
Erap, Ayaw nang makipag-usap sa Gobyerno tungkol sa pardon

October 9, 2007

Itinigil na ni dating Pangulong Joseph Estrada ang pakikipag-usap sa Malakanyang tungkol sa posibilidad ng pagbibingay ng presidential pardon dahil hindi naman umano sinsero ang pamahalaang Arroyo.

Inakusahan naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, tapagsalita ni Estrada, na hindi naman daw seryoso ang gobyerno sa pakikipagusap sa dating pangulo upang mabigyan ito ng kapatawaran.

Dagdag pa ni Rodriguez, anuman ang magiging kapalaran ni Estrada, ipauubaya na lamang nito sa hustisya ng bansa. Subalit tiniyak ng mga abogado ng dating Pangulo na iaakyat nito sa Korte Suprema ang kaso kapag ibinasura ng Sandiganbayan ang kanilang apela sa hatol nitong habambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong pandarambong.

Comments

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.