Impeachment Complaint ng UNO vs. GMA - ihahain na
October 31, 2007
Maghahain ng malakas na Impeachment Complaint ang Oposisyon laban kay Pangulong Gloria Arroyo.
Ito ang ibinunyag ni dating Senador Ernesto Maceda, isa sa mga lider ng United Opposition (UNO).
Ang paghaharap ng reklamo ay pangungunahan ng UNO at ilang Partylist Groups sa susunod na linggo.
Saklaw nito ang eskandalo sa Broadband Deal at umano’ypanunuhol ng Malakanyang sa ilang pulitiko. UNTVweb.com
Dapat i-pardon na rin ang mga pumatay kay Ninoy - PAO
October 31, 2007
Hihiling rin ng Pardon ang Pubnlic Attornerys’ Office (PAO) para sa labing-apat (14) na nahatulan sa pagpatay kay dating Senador Benigno Aquino, Jr.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta - kung edad ang ikinukunsidera sa pagpapalaya kay Erap; dapat i-pardon na rin ang mga sangkot sa kaso ni Ninoy, na pawang matatanda na rin at maysakit pa.
Ngayon pa lamang ay tutol na ang pamilya Aquino sa plano ng PAO dahil hindi naman daw inaamin ng mg anahatulan ang nagawang krimen. UNTVweb.com
Gun Ban Violators - wala pang 50% ang nakasuhan
October 31, 2007
Wala pa sa kalahati ng mahigit tatlong daang (300) kataong inaresto ang aktwal na nakasuhan dahil sa paglabag sa Gun Ban na ipinatupad ng Commission on Elections (COMELEC).
Katwiran ng Philippine National Police (PNP) - nagiingat lamang silang ma-teknikal upang hindi mabasura ang asunto.
Sa kabuuan ay isandaan at dalawampu’t anim (126) pa lamang ang nasampahan ng kaso - mula sa tatlongdaan at limampu’t pitong (357) naaresto.
Sa naturang bilang - siyam rito ang pulis; dalawa ang militar; dalawa ang Government Officials; labingsiyam na Security Guards at ang iba ay pawang mga sibilyan. UNTVweb.com
Posted by
Filed in
